Pacquiao mamamaalam muna sa game show

MAMAMAALAM na umano si Manny Pacquiao sa kanyang game show na “Manny Many Prizes” at huling labas na umano niya bukas ng gabi.

Ito ay dahil ang reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion ay tutulak na ng Los Angeles kasama si Freddie Roach para ipagpapatuloy ang kanyang pagsasanay sa Wild Card gym doon.

Ang Team Pacquiao ay tutulak patungong Los Angeles ngayong weekend.

Iho-host muna umano ni Pacquiao ang kanyang weekly variety game show bago tumulak papuntang Estados Unidos para doon plantsahin ang paghahanda laban kay Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 13.

Ayon kay Roach, sasabak pa si Pacquiao sa 100 pang rounds bago masabing sapat na ang paghahanda nito.

Sinasabi naman ng ilang source na tutol sana si Roach sa mga TV appearances ni Pacman subalit wala umano itong magagawa dahil na rin sa political ambition ng Pambansang Kamao bilang paghahanda sakaling magretiro na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply