Baklas mga lumang sasakyan sisimulan na

SISIMULAN na ng Department of Transportation and Communications (DoTC) ang pag-phase out sa mga lumang Public Utility Vehicle (PUV’s) sa mga lansangan.

Ayon kay DoTC Secretary Mar Roxas, nagpalabas na siya ng direktiba na babaan mula sa 15-anyos ang age limit sa lahat ng pampasaherong sasakyan.

Nabatid na ang kasalukuyang umiiral na age limit sa bansa ay 15-anyos para sa bus, habang 13-anyos sa taxi at 10-anyos sa AUV’s, multicabs at vans habang wala namang umiiral sa mga pampasaherong jeep.

“We will increasingly make younger the fleets of buses, jeepneys and taxis on the road. Over time, we will steadily reduce these age limits. Already, for taxis we are engaging the industry so we can implement a fleet age target of seven years,” ani Roxas.

Ayon pa kay Secretary Roxas,  ang hakbangin ng kanyang tanggapan ay para mapaluwag ang trapiko sa mga pangunahing lansangan at mas malinis na
hangin.

Kasabay nito ay sinabi ng kalihim na hihigpitan ang drug testing sa mga kukuha ng lisensiya at emission test sa mga sasakyan para mawala ang mga adik na driver at smoke belchers.

Sinabi rin ng kalihim na inatasan na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office na huwag nang basta-basta maglalabas ng prangkisa hanggat wala pang pangangailangan maliban sa mga lansangan na lubhang kailangang magdagdag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply