Pag-amyenda sa Mining Act isinusulong

NILINAW ngayon ng isang militanteng mambabatas na hindi siya tutol sa pagmimina sa bansa taliwas sa impresyon ng ilang sektor lalo na sa hanay ng mining industry.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa isang panayam sa radyo na hindi siya tutol sa pagmimina ngunit pabor siyang ang kasalukuyang batas ay maamyendahan.

May panukala sila para amyendahan ang Republic Act 7942 o ang Mining Act of 1995 na naglalayon lamang na mas mapaigi ang kalalagayan ng pagmimina sa bansa.

Nakapaloob ito sa House Bill 4315 na inakda ni Casino na dapat tiyakin na ang industriya ng pagmimina ay tutugon sa highest industry development sa bansa.

Nakasaad din sa panukala ang pagsasaisantabi sa Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) sa pamamagitan ng pagbibigay karapatan sa mga Pilipino na siyang mamuhunan sa pagmimina sa bansa.

Titiyakin rin ng panukala na hindi malalagay sa alanganin ang mga indigenous people sa mga lugar na saklaw ng pagmimina.

Maging ang kapakinabangan ng mga host community at ng mga lokal na pamahalaan ay sisiguraduhin rin sa ilalim ng panukala. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply