PAGASA-DOST bibili ng 3 pang doppler radar

PLANO pang bumili ng tatlong doppler radar ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration-Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) bago matapos ang taon.

Ito ay makaraang maglaan ang Malakanyang ng karagdagang P425 milyon pondo.

Ayon kay PAGASA-DOST Undersecretary Graciano Yumul, ang bibilhing tatlong doppler radar ay iba pa sa dalawang nakatakdang bilhin na kasama sa 2011 budget ng ahensya.

Ang isang doppler radar ay nagkakahalaga ng P60 hanggang P100 milyong piso depende sa uri.

Ilalagay ang mga bibilhing doppler radar sa Palawan, Mindoro, Panay at Zamboanga Peninsula.

Sinabi rin ni Yumul na nangako ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na magbibigay ng tatlong doppler radar para sa 2012 hanggang sa 2013.

Sa kasalukuyan ay may sampung doppler radar ang PAGASA at lima rito ang nagagamit dahil ang lima ay under construction.

Nakalagay ang mga gumaganang doppler radar sa Baler, Baguio, Subic, Tagaytay at Hinatuan, Surigao del Sur.

Ang weather equipment na ito ay ginagamit upang masukat ang lakas ng hangin at dami ng ulan na dala ng isang bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply