Pagbabawal na mag-angkas ng bata sa motor isinulong

BAWAL na sa motorsiklo ang mga bata.

Ito ang nilalaman ng panukalang batas na pangunahing inihain ni Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan-David.

Nakapaloob sa House Bill 5345 na ipagbawal na isakay sa motorsiklo ang mga batang tatlong taon pababa lalo pa’t kung babagtas ito sa mga national highways.

“This aims to provide safety measures for all riders and passengers to avoid injury or fatality especially for children on motorcycles,” ani David.

Hindi sakop ng panukala ang mga lalawigan dahil sa kakulangan ng transportasyon at wala naman aniyang pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Binanggit din ng kongresista sa kaniyang panukala na maraming aksidente ang naganap na nasasangkot ang mga bata dahil may ilang motorist na nagsasakay ng kanilang mga anak o kaanak sa motorsiklo.

“The State recognizes its role to maintain at all times the safety and protection of children,” ani David.

Tinukoy pa ni David na dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng gasolina at lumalalang problema sa trapiko ay maraming Pinoy ang gumagamit ng motorsiklo.

“These vehicles are easier to maneuver during heavy traffic and are more fuel-efficient than cars.  However, motorcycles are considered high-risk vehicles, both with respect to drivers and other motorists,” sinabi pa ni David.

Nakapaloob sa panukala na tinawag din na “Motorcycle Safety Act for Children” na ang sinumang lalabag dito ay nahaharapo sa multang P5,000 para sa unang pagkakamali,  P8,000 sa ikalawa at P10,000 para sa ikatlong paglabag.

Inaatasan din sa panukala ang Land Transportation Office (LTO) na maghanay at lumikha ng mga panuntunan at regulasyon para sa epektibong pagpapatupad nito. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply