Pagbati kay ninong!

KAARAWAN kamakalawa ng isang tunay na public servant.

Ang kaibigan natin na una lagi sa serbisyo publiko sa lungsod ng Quezon, ang aking kaibigan, si pareng Toto Medalla.

Kilala sa QC si Toto Medalla bilang Ninong ng Bayan, partikular sa District 2.

Sa kanyang paninilbihan bilang konsehal, humigit kumulang sa 90,000 pares ang tinayuan niya bilang kanilang ninong sa kasal.

Kaya halos siguro lahat ng mga batang mag-asawa sa Dis-trict 2 ay Ninong ang tawag kay Toto Medalla.

Konsehal si Pareng Toto mula 2001 hanggang 2010 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasan na lapitan siya ng mga tao para sa kung anong tulong.

Tapos na ang termino ni Pareng Toto  pero patuloy ang serbisyo publiko ng kanyang anak na si Councilor Aly Medalla.

Sabi ng marami, bibihira kang makakakita ng tunay na kaibigan sa pulitika.

Sabi pa sa Ingles – in politics you don’t need friends, you need political allies.

Pero iba si Pareng Toto. Si Pareng Toto ay tunay na kaibigan, sa labas man o sa loob ng pulitika.

Sa gitna ng lungkot at saya, sa kaligayahan at kasawian, nandyan siya. Sa oras na kailangan mo siya, maaasahan mo na makakasama mo siya.

Bihira ba ang katulad niya? Pero ako at lahat ng mga kaibigan ni Pareng Toto ay maswerte dahil nakilala namin ang katulad nya.

At sa araw ng kanyang kaarawan, taos-puso ang pagbati – Ma-ligayang kaarawan, Pareng Toto! Mabuhay ka, kaibigan! Mabuhay ka Ninong ng Bayan.

Tulong o awa

Sa mga ulat at balita tungkol sa baha sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampamga, nakita natin ang paghingi ng tulong ng kaawa-awa nating mga kababayan.

Nanghihingi ng tubig,  ng bigas at ng mga tuyong damit.

Noong isang araw nabalita rin ang mga taong nagalit dahil sa sobrang hirap na dinanas nila para makakuha ng tiket para makasali sa isang game show sa telebisyon.

Ito ba ang salamin ng kalagayan sa buong bansa?

Wala na ba tayong magagawa maliban sa makipag- unahan sa pila ng mga nagbibigay kawang-gawa o mas may pag-asa ba sa pagsali sa mga game show?

Sana ay may kapaliwanagan ang pamahalaan tungkol dito.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga na malaman ko ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply