Pagbebenta sa Petron balewala sa PISTON

BALEWALA sa Pinagisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang bantang pagbebenta ng refinery ng Petron sa gobyerno.

Anila, hindi ito ang solusyon sa mataas na presyo ng langis sa bansa.

Anila, dapat unahin ng pamahalaan ang pagbasura sa oil deregulation law dahil kitang kita ng lahat na inaabuso ito ng mga kumpanya ng langis.

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, hindi makasasama at Petron refinery sa gobyerno.

Kundi tutuusin umano ay dapat na ang buong Petron Corporation ang maibalik sa pangangasiwa ng gobyerno para maipatupad ang abot-kayang presyo ng langis.

Sinabi pa nilang dapat ay igiit na sertipikahang urgent ni Pres. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang nakabinbing House Bill 4355 na nagsusulong ng pagbasura sa Oil Deregulation Law, pagtatatag ng Petroleum Regulatory Council, Oil Buffer Fund at Centralized Oil Procurement.

Kung magagawa umano ito ng gobyerno, pihadong malaki ang magagawa nito upang mapababa ang presyo ng petrolyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply