Pagbili ng gobyerno sa binagyong palay tinalakay sa Palasyo

NAKIPAGPULONG ngayon si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) ukol sa planong pagbili ng pamahalaan sa mga palay na naapektuhan ng pananalasa ng mga bagyo sa bansa.

Sinabi ni Pangulo Aquino, nais niyang tulungan ang mga magsasaka na nasa Hilaga at Gitnang Luzon na matinding hinagupit ng mga nagdaang bagyo.

Plano ng DA na bilhin ng P14 ang kada kilo ng palay, ngunit ito ay depende sa pinsala.

Bukod pa dito, magbibigay din ng ayuda ang pamahalaan sa mga magsasaka sa pamamagitan ng “Palit-Tanim Program.”

Base sa datos ng DA, aabot ng 760,000 tonelada o 11.7 porisyento ng ani ng palay para sa huling bahagi ng 2011 ang napinsala ng bagyong Pedring at Quiel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply