PAGCOR coffee supplier ‘no show’ sa tax evasion case investigation

NO SHOW ang negosyanteng nasasangkot sa kontrobersyal na P700-milyon Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) coffee deal sa preliminary investigation ng P59-milyon tax evasion case nito sa Department of Justice (DOJ).

Hindi pa nagsumite si Carlota Cristy Manalo-Tan ng kanyang counter-affidavit sa DOJ.

Tanging kinatawan lamang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dumating sa naantalang pagdinig.

Wala namang sinabi si Senior State Prosecutor Roxanne Balawag ukol sa pagpapaliban ng nasabing imbestigasyon sa Biyernes (Oktubre 21).

Matatandaan na noong Agosto 4, kinasuhan ng BIR si Tan matapos mabigong magbigay ng tamang impormasyon sa kanyang income tax return (ITR) para sa taong 2003 at 2004.

Sa reklamo, kumita umano si Tan sa dalawang taxable year ng P170 milyon ngunit halos P42 milyon lamang ang kaniyang idineklara.

Si Tan ang may-ari ng Promo Llabel Specialty na nagsuplay ng overpriced na kape sa PAGCOR na ibinunyag noon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang state of the nation address (SONA).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply