Pagdalaw ni PNoy sa typhoon victims binira

HULI man daw at magaling, huli pa rin!

Ito ang nagkakaisang reaksyon ng oposisyon matapos kumpirmahin ng Malakanyang na dadalawin na ni Pangulong Aquino ang mga sinalanta ng bagyong Pedring at Quiel sa Tarlac, Pampanga at Bulacan.

Sa kabila ng pagpunta ngayon ng Pangulong Noynoy Aquino sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Pedring at Quiel ay huli na para sa taumbayan ang ginawa ng pangulo.

Sinabi ni House Minority Leader Edcel Lagman na nananatiling “invisible” si Pangulong Aquino sa mga mahahalagang kaganapan sa bansa gaya ng Luneta hostage fiasco na hindi man lamang namataan ang Pangulo.

Lumilitaw lamang ayon naman kay Deputy Minority Leader Danilo Suarez na kung hindi man handa ay palaging huli si PNoy sa kanyang mga direktiba.

Giit naman ni Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay na hindi naman kailangang naroon ang pangulo sa lugar ng trahedya at kalamidad subalit maaari nitong gamitin ang telebisyon upang ipaalam sa taumbayan na padating na ang tulong mula sa gobyerno at hindi dapat mag-panik ang mga nasalanta ng bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply