Pagkabulag maaring maiwasan – WHO

IPINAHAYAG ng World Health Organization (WHO) na posibleng maiwasan ang pagkabulag sa pamamagitan ng tama at maagap na pagpapagamot.

Sa kanilang pagtaya, 246 milyong tao sa buong mundo ang may malabong paningin at 39 milyon sa mga ito ay bulag o may katarata na pangunahing sanhi ng pagkabulag lalo na sa mga “developing countries.”

Ang pagkabulag sanhi ng sakit na katarata ay maaaring gamutin sa loob lamang 15 minuto.

Ang “trachoma” pa rin ang nanananitiling pangunahing sanhi ng nakakahawang pagkabulag lalo na sa maraming lugar sa Kanlurang Pasipiko (Western Pacific Region) kasama ang bansang Australia at Pacific Islands.

Mahigit 80 milyong tao sa buong mundo ang patuloy na naghihirap mula sa aktibong impeksyon na ito, at halos 8 milyong tao ay may kapansanan sa paningin bilang resulta ng “trachoma.”

Sa kanilang pagsasaliksik, 90 porsiyento ng mga taong hindi nakakakita o may malabong paningin ay kadalasang naninirahan sa mga “low-income countries.”

Kaya naman bilang pagtugon, ang WHO ay patuloy na nagsisikap upang mabawasan at maiwasan ang mga kadahilanan ng pagkabulag sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan.

Gayundin, bumubuo ang WHO ng mga polisiya para sa mga diabetic retinopathy, glaucoma, macular degeneration at refractive errors. Patuloy pa rin ang World Health Organization na nakikipag-ugnayan sa International Agency for the Prevention of Blindness para sa pandaigdigang inisyatiba “Vision 2020: the Right to Sight.” Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply