Pagkakakulong ng 2 menor-de-edad inalmahan

INALMAHAN ng mga magulang at guro ng dalawang menor-de-edad na estudyante ang umano’y iligal na pagkakakulong sa kanila sa PCP-Station 3 ng MPD matapos na ireklamo ng kanilang kaeskuwela sa Maynila.

Ayon kay Jay de la Fuente, hepe ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Maynila, pansamatala munang nasa kanilang pangangalaga ang dalawang batang suspek na itinago sa pangalang “John” at “ Joe,” kapwa 16 anyos .

Ang dalawa ay inireklamo umano ng kanilang kaklase na itinago rin ang pangalan na umano’y nambugbog at nanaksak sa loob ng hindi binanggit na eskuwelahan.

Galit naman ang mga magulang dalawang menor-de-edad sa Police Community Precinct ng MPD-Station 3 dahil hindi umano dapat arestuhin at ikulong ang kanilang mga anak sa presinto.

Paliwanang naman ng DSWD, natagalan umano ang inquest proceedings ng piskalya kung kaya natagalan ang pamamalgi ng mga estudyante sa kulungan.

Ayon naman kay Atty. Persida Acosta, hepe ng Public Attorneys Office (PAO), hindi puwedeng ikulong ang mga menor-de-edad bagkus ay awtomatiko umano dapat na dinala ang mga ito sa tanggapan ng DSWD batay na rin sa nakasaad sa batas.

Sinabi ni de la Fuente sa mga magulang ng mga suspek  na hindi muna nito mai-turn over sa kanila ang mga anak  na  nasa Manila Youth Center  dahil iyon umano ang order ng piskalya.

Mapipilitan namang matigil sa pag-aaral ang dalawa dahil sa kanilang pagkaka-aresto  na siyang inalmahan naman ng mga guro at magulang ng mga ito.

Gayunman, sinabi naman ng dating Officer in Charge ng paaralan na si Merle Angon na ang nagrerekalamong biktima umano ang totoong sakit ng kanilang ulo sa eskuwelahan at taun-taon itong nasasangkot sa gulo at hindi ang dalawang inaresto.

Ayon sa DSWD ng Maynila, ang piskalya na raw ang magdedesisyon kung sino ang nagsasabi ng totoo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply