Pagkakuha ng OFW ng permanent residency sa HK pinuri ni Binay

PINAPURIHAN at nagpahayag ng kasiyahan si Vice President Jejomar Binay sa pagkapanalo ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong kaugnay sa hinihingi nitong permanent residency.

Ayon kay Binay, na siya ring Presidential adviser on overseas Filipino workers (OFWs) concerns, isang magandang hakbang ang pagkilala ng korte sa Hong Kong para sa karapatan ng mga migrante.

Sinabi pa ni Binay na nararapat lamang umano ang ibinigay na pagkilala sa mga OFW at iba pang dayuhang nagtatrabaho sa HongKong dahil malaki ang naitutulong nila sa ekonomiya ng rehiyon.

Sa ipinalabas na ruling ni Court of First Instance Judge Johnson Lam, kinatigan nito ang kaso na isinampa ng Filipina helper na si Evangeline Banao Vallejos.

Unang kinuwestyon ni Vallejos ang legalidad ng Basic Law ng Hong Kong na nagbabawal sa mga foreign domestic helper na makakuha ng permanent residency sa nabanggit na special administrative region.

Si Vallejos ay mahigit 25 taon nang nagtatrabaho bilang domestic helper sa naturang bansa. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply