‘Basilan incident’ iimbestigahan ng CHR

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pagpatay sa 19 sundalo sa Albarka, Basilan matapos ang madugong sagupaan ng mga militar at Moro Islamic liberation Front.

Ito ay matapos ipag-utos kanina ni CHR Chairman Loreta Ann Rosales ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Pinapuntahan na rin ni Rosales ang mga pamilyang naiwan ng mga nasawing sundalo.

Ayon kay Rosales, makikipag-ugnayan din ang kanilang hanay sa mga pamilyang naapektuhan ng bakbakan para makunan ng mga pahayag.

Nagpaabot din si Rosales ng pakikiramay sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawing sundalo.

Mariing kinokondena ng CHR ang naganap na engkwentro dahil labag ito sa napagkasunduang peace process.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply