Pagkamatay ni ‘Ka Roger’ walang epekto sa peace talk

NAGPAHAYAG ngayon ang Malakanyan na walang magiging epekto sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines (CPP)-New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) ang pagkamatay ni NPA spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal.

Ayon kay Presidential Political Adviser Ronaldo Llamas, hindi naman umano kay Rosal nakikipag ugnayan ang gobyerno kundi sa panel na pinamumunuan ni Chief Negotiator Luis Jalandoni.

Binigyang diin ni Llamas na kung titingnan ang usapin ng peace talk, walang epekto rito ang pagkamatay ni Rosal dahil limitado aniya ang epekto nito sa pagkakaroon ng tagapagsalita ng NPA.

Inanunsiyo ng CPP Information Bureau nitong Oktubre 9 ang pagpanaw ni Rosal, dating tagapagsalita ng CPP at itinalagang rebolusyonaryong lider, mukha at boses ng armadong rebolusyon sa Pilipinas.

Hunyo 22 pa namatay si Rosal, ayon sa CPP, matapos atakehin sa puso. Ibininbin nila ang pag-anunsiyo sa publiko ng pagkamatay ni Rosal dahil kinailangan pang kontakin at ipaalam ang naganap sa mga kaanak. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply