Pagkatapos na maging mortal enemy daw… Okay na sina Marian, Rhian!

NAGSIMULA raw humupa ang tensyon sa pagitan nina Rhian Ramos at Marian Rivera sa set ng ginagawang Metro Manila Film Festival entry ng GMA Films at Imus Productions na Panday 2.

“First time ko siyang makatrabaho sa movie na ‘to. Fun, isa lang naman yung eksena namin together pero yung eksena naming yun, na-enjoy ko naman talaga.

“We had a lot of fun kasi ano e, ang dami-rami rin namin sa eksena na yun pero yung talagang kausap ko sa eksena, si Marian,” kuwento ni Rhian.

Ibang-iba na nga ang ihip ng hangin kumpara noong September 2009 ng inintriga ang unang pagbuwag ng DongYan tandem sa GMA Telebabad nang i-partner si Dingdong Dantes kay Rhian sa top-rating Kapuso adaptation ng Koreanovelang “Stairway To Heaven.”

Nagselos pa raw si Marian sa balitang niregaluhan raw ni Dingdong ng oatmeal chocolate cake si Rhian nang mag-birthday ang aktres sa set.

Umabot sa puntong nagdead-mahan raw sina Rhian at Marian nang mag-guest si Rhian sa sitcom ni Marian na “Show Me Da Manny.”

***

MULING namayagpag ang ABS-CBN Corporation sa national TV ratings nang makakuha ito ng average audience share na 42 percent o mahigit 12 puntos kaysa GMA na may 30 percent ngayong Setyembre sa primetime (6 PM- 12 MN) kung saan pinakamarami ang nanonood ng TV at mas maraming advertisers ang naglalagay ng patalastas.

Base rin sa datos ng Kantar Media, nanguna rin ang ABS-CBN sa Metro Manila sa primetime sa average audience share na 35 percent laban sa 33 percent ng GMA.

Labingtatlo sa top 15 na pinakapinanood na programa noong nakaraang buwan sa bansa ay mula rin sa Kapamilya Network kung saan ang top 10 slots ay pawang mula sa kanila. Ang ipinagmamalaking locally-produced na programa ng GMA na Amaya ay nasa ika-15 lang.

Una sa listahan ang nagdiriwang ng ika-20 anibersaryo na MMK sa average TV rating na 32.8% at siya ring nanguna pagdating sa weekend programming. Sinundan naman ito ng 100 Days to Heaven sa average TV rating na 32% at siya ring nananatiling numero unong programa sa weekday.

Ang live airing naman ng prestihiyosong Miss Universe 2011 sa Sao Paolo, Brazil kung saan naiuwi ni Shamcey Supsup ang karangalang 3rd runner up, ay pumalo ng 31% sa umaga, na siyang pinakamataas ng rating na naitala para sa isang beauty pageant. Hindi naman umabot sa kalahati ang rating ng Miss World na prinoduce ng GMA dahil nag-rate lang ito ng 9.2% sa primetime.

Samantala, ang pinakabagong pambato sa primetime ng Kapamilya na Nasaan Ka, Elisa? ay agad na umakyat sa ikapitong puwesto sa average TV rating na 25.3% at patuloy na tinataob ang kalabang Munting Heredera ng GMA na pumapalo lang sa average TV rating na 19.4%

Ang iba pang ABS-CBN programs na nasa top 15 ay ang My Binondo Girl (27.4%), Junior MasterChef Pinoy Edition (26.4%), Rated K (24.6%), Guns and Roses (23.7%), Pilipinas Got Talent (22.8%), Wansapanataym (22.7%), Maria La Del Barrio (21.9%), at Going Bulilit (20.9%).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply