Pagkatapos ng mga intriga peace na sina Sheena at Yasmien

BILANG StarStruck avenger ng season 1, hiningan namin ng comment si Sheena Halili tungkol sa pagkaka-detain ng mga StarStruck avengers na sina Vivo Ouano at Jerico Rizalado na may kinalaman diumano sa drugs.

“Naku alam mo sa totoo lang, nalaman ko lang yan kay Aljur Abrenica sa taping. Sa totoo lang hindi ko ka-close yung dalawang yun, pero siyempre nakakasama ko naman sila sa mga shows rito sa GMA.

“Wala, sana lang lumabas lang talaga yung katotohanan, sinasabi nga nila na hindi totoo, sana maging ano lang sila, panindigan lang nila na kung sinabi nila talagang hindi, hindi talaga sana,” sey ni Sheena.

“Kasi napakababata pa nila para masangkot sa mga ganyang ano di ba, sa ganyang problema, sa ganyang isyu. So sana lumabas yung katotohanan.

“Naaawa ako sa kanila. Siyempre kung kailangan naman nila ng tulong, kung may maitutulong naman kami na puwede naming gawin, why not, di ba?”

At bilang produkto ng StarStruck, ano naman ang masasabi niya sa pagpapatawad ng ka-batch niya sa Season 1 ng StarStruck na si Yasmien Kurdi kay Baron Geisler.

Tulad ng alam ng lahat, nagkaroon ng demandahang may kinalaman sa sexual harassment sa pagitan ng dalawa.

“Oo naman, siguro naman yung mga ganung ano… lahat naman tayo kailangan marunong naman tayong magpatawad, di ba?

“Tsaka matagal ng isyu yun, naparusahan naman na si Baron din naman, di ba? Nabigay na rin naman yung gusto nilang mangyari kay Baron.

“So okay naman siguro, napagbayaran na ni Baron yun, ngayon, silang dalawa, mag-start sila ng bagong buhay, magtrabaho sila ulit, di ba? Iyon.”

Nagkaroon sila ng isyu noon ni Yasmien dahil mag-boyfriend pa sila ni Ranier Castillo.

“Before meron, oo siyempre. Ikaw ba naman, ako yung dyowa tapos, tinatago ako hindi ako puwedeng aminin. Okay lang yun e, pero alam naman natin na nagka-something sa kanila ni Yasmien habang ano, di ba?

“Siyempre kahit papaano naman may isyu ako sa kanila pero wala na yun, tapos na rin naman. Wala na yun, napatawad ko na siya, sila ni Rainier. Tsaka part talaga yun ng relationship siguro, tsaka bata pa kami noon. Okay lang.”

So ngayon ay maayos na maayos na ang sitwasyon sa pagitan nila ni Yasmien?

“Yes, yes, okay na okay.”

Nadiskubre ni Sheena na puwede pala silang maging magkaibigan ni Yasmien…

“Oo kinukuwentuhan nga niya ako, actually hindi ko naiintindihan yung mga pinagsasasabi niya, tungkol kasi sa pinag-aaralan niya, kung anu-anong bacteria, tsaka mga parts ng katawan, mga sakit.

“Sabi ko tama na kasi as in nosebleed na ako, hindi ko naiintindihan.”

Sina Sheena at ang nali-link sa kanyang si Rocco Nacino, kailan sila huling nagkita?

“Last week, nanood kami ng sine.”

‘Yun na!

-0o0-

PINAG-UUSAPAN ang bagong kasong haharapin ni Congressman Manny Pacquiao na isinampa ng VisionQwest Resource Group, ang US-based accounting firm na nilapitan at hiningan niya diumano ng tulong para mag-review ng kanyang mga personal at business contracts at mag-ayos ng problema niya sa buwis sa Internal Revenue Service pero may hinahabol pa rin silang bill sa ginawa nilang serbisyo.

Tsinugi raw sila ni Pacman nu’ng August 2011 bilang accountant.

Sa press statement, sinabi ni Lodge na hiningi ni Manny ang tulong ng VisionQwest dahil sa paniwala ng sikat na boxer na hindi ito nakatatanggap ng “fair share” mula sa boxing promoter na si Bob Arum.

Ayon sa balita nagkakahalaga ng US$649,016.95 ang lawsuit (for services rendered) ng VisionQwest laban kay Manny.

Bukas ang pahinang ito sa panig ni Pacman para sa ikalilinaw ng isyu.

-0o0-

NAHIRAPAN ba si Mikael Daez na maka-move on sa pagkawala ng una niyang laptop na mahal na mahal niya?

“Nag-move on na ako, thankfully pero … nag-move on na talaga ako. Yung mga files ko run, I just thought about it… I mean past is past, marami pa namang mangyayari in the future, so ganun na lang.”

Ang lovelife ngayon ni Mikael…

“Well the gym and my laptop, bago na, may bago na, dalawa na yung lovelife ko!”

Alam ba niyang papatayin siya sa serye nila ni Marian Rivera?

“Yes, yes, I was aware. Alam ko naman. Nalungkot ako, very, very sad. Tapos nalungkot akong sabihin sa mga kasama ko sina Sheena [Halili], Pancho Magno, Dion Ignacio, etcetera etcetera. Kasi masaya kasi, masaya talaga, but at the same time of course, nakalulungkot.

“But you have to see that this is a business and like I said first and foremost coming into this, being under GMA and this is what they want for me, na pumunta ako sa new show (Sundo) na ‘to.

“So iyon yung gagawin ko and I’m gonna do my best.”

So iyon ang rason, ilalagay siya sa bagong show.

“Yeah! Na I have to start taping already for the next show.”

So hindi naman sumama ang loob niya na tinanggal siya sa Amaya.

“No! Nalungkot ako kasi sobrang friends ko na silang lahat. Kasi lahat kami pag may napapatay si Tito Roy (Alvarez), si Yoyo Awi, laging malungkot kasi alam mo yun, sa tagal ng samahan namin, e.”

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply