Paglaban sa human trafficking paiigtingin

MAKARAANG magpalabas ng paumanhin ang U.S. ambassador sa Pilipinas na si Harry Thomas Jr., kaugnay sa kanyang mga pahayag, nagpalabas ngayon ng madato ang Malakanyang na paiigtingin ng pamahalaan ang paglaban nito sa human trafficking.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na para sa Palasyo ay sarado na ang isyu sa komentong sex tourism ni Thomas.

“Kausap ko kasi si Secretary Albert del Rosario ngayon so we were informed that the Ambassador already issued through a text message his regret over the statement that he made. So we consider the issue a closed case, but our fight against human trafficking continues,” pahayag ni Lacierda

“Patuloy po ang ating pag-prosecute to those who are taking advantage of our people and our young ones,” ayon pa sa opisyal.

Sinabi ni Lacierda na malinaw na ang mga pahayag na ito ni Thomas ay hindi suportado ng tamang istatistika kaya humingi siya ng paumanhin kay Secretary Del Rosario at sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa kanyang mga pahayag kamakailan, sinabi ni Thomas na 40 porsiyento ng mga banyagang lalaki na bumiyahe sa Pilipinas ay para sa “sexual tourism (turismong sekswal),” na nag-udyok sa pamahalaan ng Pilipinas upang tanungin ang motibo ng ambasador.

Tinanong din ng ilang Pilipinong mambabatas si Thomas upang linawin ang kanyang mga pahayag at ipaliwanag kung saan niya nakuha ang kanyang bilang.

Kaugnay nito inatasan na rin ng Palasyo ang mga kaukulang ahensya na paigtingin ang paglaban sa human trafficking sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply