Paglilinis ng nitso agahan— Mayor Lim

PINAYUHAN ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga residente ng Maynila na agahan ang paglilinis ng nitso sa Manila North at South cemetery bilang paghahanda sa pagguita sa All Saints’ at All Souls’ Day.

Ayon kay Lim, papayagan lamang ang paglilinis ng mga nitso sa Manila North Cemetery hanggang Oktubre 31, 2011, samantalang ang mga sasakyan ay papayagan lamang na makapasok hanggang Oktuber 29, 2011.

Sinabi ni Manila North Cemetery OIC, hanggang sa Oktubre 28, na lamang ang  libing sa Manila North Cemetery at muling itutuloy sa Nobyembre 4.

Hanggang sa  Oktubre 27 naman maaaring maglinis ng nitos sa Manila South Cemetery habang ang mga sasakyan ay hanggang sa Oktubre 28 lamang.

Nabatid naman kay Manila South Cemetery officer-in-charge, Engr. Henry Dee, sarado ang libing sa Oktubre 28 at maaari na lamang maglibing sa Nobyembre 3, 2011.

Pinaalalahan din ni Lim ang publiko na iwasan ang pagdadala ng mga matatalas na gamit at mga dahil ito ay ipinagbabawal.

Hindi rin pahihintulutan ang pagsusugal sa loob ng sementeryo.

Aniya, dapat na iprayoridad ang pagdarasal sa mga kaluluwa ng mga namayapang kapamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply