Paglilipat ng San Mateo Municipal Jail hinirit

DAHIL sa mga pagbaha dulot ng mga bagyong nagdaan ay humihingi ng tulong ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lokal na gobyerno para sa pagtatayo ng bagong kulungan na mapaglilipatan ng may 240 bilanggo ng San Mateo Municipal Jail.

Sa isinumiteng report ni BJMP-NCR Director Benito Dorigo kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse M. Robredo, nagrereklamo aniya si Jail Warden S/Insp. Darwin S. Agullo na inaabot na ng baha ang mga selda sa loob ng piitan ng San Mateo kung kaya inilipat nila sa ikalawang palapag ng gusali ang lahat ng bilanggo noong bagyo.

Ngunit noong araw ding iyon ay tumaas ang tubig kung kaya napilitan silang humingi ng tulong sa local police, Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa paglilipat sa mga bilanggo sa katabing paaralan sa lugar na nagsilbing evacuation center.

Ayon kay Agullo, madalas umano nilang ilipat ng ligtas na lugar ang mga bilanggo roon lalo na kapag may malakas na pag-uulan at bagyo dahil madalas aniyang umapaw  ang tubig  sa San Mateo riverbanks kapag umuulan.

Isa pang pinoproblema nila ay ang paglilipat ng mga bilanggo sa mga evacuation shelter na napakadelikado dahil maaring samantalahin ng mga ito ang pagkakataon na makatakas.

Nanawagan si Agullo kay Mayor Jose Rafael Diaz ng San Mateo na matulungan silang mabigyan ng lugar na mapagtatayuan ng panibagong piitan sa Barangay Modesta o Barangay Pintong Bukawe sa nasabing munisipalidad. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply