Paglinis sa imahe ng Pilipinas ipinanawagan

NANAWAGAN ngayon ang mga mambabatas kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na sikaping mapalitan ang imahe ng Pilipinas na “sex tourism” destination.

Ito ay sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Ambassador Harry Thomas, Jr. ng United States kaugnay sa pahayag niya ukol sa “sex tourism” sa bansa.

Ipinamukha ng mga kongresista na ang mga US military bases sa bansa ang siyang nagpapalala ng masamang imahe na ito ng Pilipinas.

Panawagan ito nina Akbayan Rep. Walden Bello at Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan gayundin ni House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Ma. Milagros “Mitos” Magsaysay.

“I think Ambassador Thomas might have exaggerated, but he was spot on in underlining the fact that there is a lot of sex tourism by western men in the Philippines. He should also have acknowledged that the US bases created the problem and that the US soldiers deployed here under the VFA (Visiting Forces Agreement) contribute to the problem,” ani Bello.

Aniya, tatanggapin  niya ang paumnahin ni Thomas kaalinsabay ng sabay na pagkilos ng administrasyong Aquino at gobyerno ng Estados Unidos upang masawata na ang sex trafficking sa bansa.

Sa panig naman ni Ilagan ay sinabi nito na: “We are missing the point. Whether his apology is accepted or not, whether he leaves or not, the problem that tourists view our country as a sex destination remains.”

Binigyang diin pa nito na ang US Visiting Forces ang umano’y pangunahing nambibiktima sa mga kababaihan kasama na rito ang patuloy na pagtataguyod ng mga panghihikayat ng mga travel agencies at internet ads ng kagandahan ng Pilipinas na may kasamang babaeng seksi.

Binigyang diin naman ni Magsaysay na: “His apology is accepted as even the DFA said that Thomas statement had a basis. Let this be a challenge to the administration to cleanse our image regarding sex tourism.”

Ang usaping ito ay itinuring ng Malacañang na tapos na kasunod ng paghingi ng paumanhin.

Sinabi ni Thomas na dapat sana ay sinamahan na ng dokumento ang pahayag na 40 porsiyento ng mga turistang lalaki sa bansa ay naghahangad lamang aniya ng pakikipagtalik sa mga Pilipina.

Ang pahayag na ito ni Thomas ay magsisilbi aniyang malaking balakid upang tuluyan ng maibangon ng Pilipinas ang imahe nito sa gitna ng pag-asang aabot sa anim na milyong turista ang darating sa bansa hanggang sa 2016. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply