Paglipol sa MILF, tablado kay Sen. Franklin Drilon

KAHIT umabot na sa 23 sundalo ang napatay sa paghahasik ng karahasan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), inayawan pa rin ni Sen. Franklin Drilon ang panukalang tugisin ang responsable sa Basilan massacre.

Sa pahayag na ipinalabas nitong Linggo, sinabi ni Drilon na buo ang kanyang suporta kay Pangulong Benigno Aquino III na huwag pakinggan ang panukalang maglunsad ng all-out war sa MILF bilang tugon sa pagtatraydor ng rebeldeng grupo sa ikinakasang usapang pangkapayapaan.

“Buo ang aking suporta sa desisyon ng Pangulo na ibasura ang panukalang isuspendi ang prosesong pangkayapaan at maglunsad ng all-out war laban sa MILF sanhi ng nangyari kamakailan na ikinamatay ng ilang sundalo,” ayon kay Drilon.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Aquino ang militar na walang mangyayaring opensibang operasyon laban sa sangkot sa pagpatay sa 19 na sundalo sa Al-Barka, Basilan.

Naniniwala si Drilon na ginagawa lamang ni Pangulong Aquino ang matikas na political will na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply