Pagod na sa mga daks na ombres si Michelle Madrigal!

PINAG-UUSAPAN noon ang tweet ni Neil Etheridge na “In love with Mitch Madrigal” kaya na-link sila pero never daw naging sila.

“Kasi di ba, you know, pagka foreigner ka or kahit minsan tayo when you say… yung tweet niya kasi “In love with Ms. Madrigal”, ina-admire mo lang yung tao na parang kunyari ikaw makita mo si Brad Pitt, ‘Oh my God, I’m dying, ang guwapo niya!’

“Pero it doesn’t literally na mamatay ka talaga,” pahayag ni Michelle.

“Hindi talaga naging kami. Hindi naman siya ang naka-date ko. Iba po ang nag-try manligaw sa akin. Si Simon Greatwich, hindi siya!”

“Ang lagi kong nakakasama, like we go on friendly dates, group dates, si Simon. Siguro mas kakilala lang kasi… siyempre mas sikat si Neil, aminin natin, siya ang goalkeeper siya yung laging naka-front.

“Hindi naging kami, parang we were just going out kaming lahat ng mga kaibigan ko na parang getting-to-know, yun lang.”

Ano ang nangyari sa kanila ni Simon? Bakit parang hindi natuloy ang getting-to-know nila?

“Because they don’t live here. He doesn’t live here. But we still keep in touch. Nag-uusap pa rin kami, pero mas lamang ‘yung friendship ko sa kanila.

“Parang mas gusto kong i-keep ‘yung friendship na meron kami, even with Simon or Neil, kesa yung like magka-boyfriend with them.

“Kasi, alam ko sa sArili ko, I’m not ready to have a relationship now. “Right now, ha? At this point.

Hurting pa rin ba siya sa breakup nila ni Jon Hall kaya hindi pa siya ready?

“Ay, no, no, no! Nakapag-move on na ako. Siya rin, meron na siyang ano, may girlfriend na.”

Six months na silang mag-break sila ni Jon.

Sure ba siyang naka-move on na siya?

“Hoy, naka-move on na ako! Hindi naman porke wala akong boyfriend, hindi pa ako nakaka-move on. I don’t need a man para mag-move on, ‘no!” deklara ni Michelle.

‘Yun na!

-0o0-

NILINAW ni Barbie Forteza ang isyung nakita silang magka-holding hands na nanood ng sine kamakailan ni Joshua Dionisio at silang dalawa lang diumano ang magkasama.

“Hindi po, never po kaming nanood na kaming dalawa lang. Kasama ko po ang mama ko at ate ko, at si Joshua kasama ang brother niya.

“Yung magka-holding hands, gentleman po kasi si Joshua, inaalalayan niya ako, wala namang masama doon.”

Magkaibigan raw sila ni Joshua and nothing more than that.

Tsuk!

-0o0-

NAGKITA noong 2nd Star Awards for Music sina Piolo Pascual at Direk Louie Ignacio. Nanalo noon si direk ng Music Video of The Year para sa kantang Kasiping Ka ng La Diva.

Nagkausap ang dalawa na gagawa ng MTV. Kaya naman tinawagan siya ng Star Records para gawin ang MTV ni Piolo NA You Were There.

“Sabi ko sa kanya noong magkita kami sa Star Awards for Music, sa next video ko, gawan kita.

Eh, tinotoo naman niya. Tumawag siya sa Star Records tapos ini-request daw niya ako,” kuwento ni Direk Louie.

Nagbunga naman ang pagsasama nila dahil nominado ang naturang music video sa darating na 3rd Star Awards for Music na gaganapin sa October 16 sa Lee Irwin Theater sa Ateneo De Manila.

Masungkit kaya ulit ni Direk Louie ang Music Video of The Year na si Papa P ang singer?

“Ay bongga ‘yan, sana  manalo,” sey niya sa amin nang makatsikahan namin siya sa kanyang Old Sta. Ana, religious shop sa tapat ng Sta. Ana Church.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply