Pagpapagamot sa abroad ni GMA oks na sa Malakanyang

HINDI na haharangin ng Malakanyang ang planong pagpapagamot sa ibang bansa ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Nauna nang sinusugan ni Sen. Panfilo Lacson, isa sa pinakamahigpit na kritiko ng mga Arroyo ang usapin para aniya sa ikagagaling ni CGMA.

Ngayon naman ay ipinahayag ni Communications Sec. Ricky Carandang na kung irerekomenda ng mga doktor na sa abroad kailangang magpagamot si CGMA, hindi nila iyon hahadlangan.

Kanina lamang ay lumutang ang balitang nagdedelikado ang dating Pangulo sa kanyang “kakaibang sakit” na ngayon ay nawalan na ng boses si GMA at pumayat nang sobra ayon sa pagkumpirma ni House Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply