Pagpapalabas ng P5.7-M kalakal napigilan ng BoC

NASABAT ng Bureau of Customs ang P5.7 milyong halaga ng kalakal habang tinatangkang mailabas sa Manila International Container Port.

Base sa pahayag ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, nasabat ang tatlong high-end na motorsiklo kabilang ang isang Harley Davidson, mahigit 1, 300 pares ng pekeng Adidas na sapatos, mga gulong, dalawang bagong fork lift at mga piyesa ng motorsiklo.

Nabatid na nadiskubre ang mga kargamento matapos isailalim sa x-ray inspection ang mga container.

Kasalukuyan namang sumasailalim sa imbestigasyon ang mga forwarding company na TLX International, Cogtong Fast Cargo at Adec Cargo na naglalabas ng mga kargamento mula sa container port nang hindi umano nagbabayad ng buwis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply