Pagpapalaya sa bihag pantakip ng NPA sa sinunog na 3 minahan

MALAKI ang hinala ng  tagapagsalita ng East Mindanao Command na si Lt. Col. Leopoldo Galon na nais lamang pagtakpan ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang panununog ng mga ito sa tatlong minahan sa Surigao del Norte.

Posibleng iyon umano ang dahilan kaya’t pinakawalan ang apat na opisyal ng Bureau of Jail and Management at pinalaya si Lingig Surigao Del Sur Mayor Henry Dano at dalawa nitong military escort.

Nilinaw rin ni Galon na walang ransom na ibinigay ang mga awtoridad sa rebeldeng NPA kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag.

Hindi rin umano humingi ng ransom at board and lodging fee ang mga rebelde matapos ang mahigt dalawang buwang pagkakabihag sa mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply