Pagpapalayas sa media sa LTO kinondena ng NPC

PINABABAWI ng National Press Club (NPC) kay LTO Chief Virginia Torres ang inilabas nitong kautusan sa pagpapalayas sa mediamen na kumokober sa Land Transportation Office (LTO) partikular na ang LTO Tri-Media Association.

Ito ang kinumpirma ni NPC President Jerry Yap matapos sumulat kay Transportation Secretary Mar Roxas at sa Malakanyang bilang pagkondena na rin ng NPC sa ginawang aksiyon ni Torres na ayon sa grupo ay isang uri ng pagyurak sa malayang pamamahayag.

Kinuwestyon ng mga opisyal ng LTO Tri Media kung ang paglalabas nila ng negatibong balita na nagsasangkot kay Torres sa iba’t ibang anomalya sa LTO ang ugat ng pagpapalayas nito sa mga legitimate media sa ahensiya.

Una nang naiulat ng mga mamamahayag ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Torres tulad ng pakikisawsaw sa away ng dalawang grupo na umaangkin sa IT provider ng LTO, ang Stradcom Corporation, ang kaso nito sa Ombudsman at Quezon City court gayundin ang kaso sa Korte Suprema na naging sanhi ng iritasyon ni Torres.

Niliwanag ni LTO Tri Media Association President Angie dela Cruz na limang assistant secratary na ang umupo sa LTO ay hindi naman napaalis ang mga media na nagko-cover sa ahensiya at sa katunayan aniya ay nabigyan pa sila ng opisina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply