Pagpapaliban sa ARMM polls legal – SC

LEGAL ang pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at pagtatalaga ng officer-in-charges sa rehiyon.

Ito ay nang paboran ng Supreme Court (SC) en banc ang ligalidad ng Republic Act 10153 o ang batas para sa pagtatalaga ng OICs sa ARMM.

Sa botong 8-7 ay nagdesisyon ang Korte Suprema na naaayon sa Konstitusyon ang nasabing batas.

Kasabay ito ng pagtanggal sa umiiral na temporary restraining order (TRO) sa usapin, pati na sa election synchronization o ang pagsasabay ng halalan sa ARMM sa darating na 2013 elections.

Una rito, kinontra nina Atty. Romulo Macalintal at dating Sen. Aquilino “Nene” Pimentel ang nasabing hakbangin ng Palasyo dahil sa ilang ligal na punto.

Isa pang grupo ng mga tumututol sa pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM ang naghain din ng petisyon sa Korte Suprema na humihiling na ideklarang labag sa batas ang RA 10153.

Ang ARMM elections ay dapat na isinagawa noong Agosto 8, 2011, ngunit hindi natuloy dahil sa ipinasang batas na nagpapaliban sa halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply