Pagpapatakbo sa Pasay City Mall ibinenta!

DAPAT daw imbestigahan ng Commission on Audit (COA) ang ginawang pagbenta sa isang pribadong kompanya para i-manage o patakbuhin ang naluluging Pasay City Mall sa Pasay City.

‘Yan ang sigaw ng mga nakatunog sa anomalyang ito kung saan isang Intsik na kilalang mall operator sa Caloocan at Antipolo, Rizal ang sinasabing nakakuha ng kontrata kapalit ng halagang P5 milyon.

Mabilisan daw at may “hokus-pokus” pa ang ginawang resolusyon ng Pasay City Council para bigyan ng poder o kapangyarihan si Mayor Antonio Calixto na ibenta ang management ng naturang mall.

Wala ring bidding na ginanap para ma-justify kung tama ang presyo sa pagkakabenta ng kontrata.

Bukod kasi sa pagkalugi, may outstanding obligations pa ang Pasay City Mall sa mga pinagkakautangan at may kaso pa sa
Sandiganbayan.

Sa ngayon, mag-iisang linggo nang nagliliwaliw sa Australia itong si Calixto, kasama ang kuno’y adviser niyang si Gardi Cruz, dalawang kadikit na konsehal at isang congressman ng lungsod ng Maynila.

Totoo kaya na bawat konsehal na pumirma sa resolusyon ay nabigyan diumano ng P150,000 habang P500,000 naman daw ang napunta kay Vice Mayor Marlon Pesebre na ngayo’y acting mayor ng lungsod?

‘Yung iba ay tanging si market and mall administrator Dennis “Popoy” Aguas lang ang nakaaalam kung kaninong bulsa napunta.

Dapat lang na magsalita tungkol dito si Vice Mayor Marlon!

O kayo riyan sa COA, Ms. Heidi Mendoza, may-roon ba kayong inisyatiba na magsagawa ng imbestigasyon at hindi na ninyo kailangan ang isang formal complaint ukol dito?

***

Anomang reklamo, ko-mento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999433-3437,  09278473781 at 092-24346131 o kaya’y e-mail lamang sa boyetmunar@-yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply