Pagpapatupad ng motorcycle lane sinimulan na

UMABOT agad sa 95 ang nasakote kaninang umaga at maaari pang madagdagan sa unang araw ng pagpapatupad ng motorcycle lane sa dalawang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Nasa 45 na ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Commonwealth Avenue sa Quezon City na ikaapat na lane o ang pinaka-gitnang lane ang itinalaga para sa mga motorsiklo.

Mahigit 50 namang nagmomotorsiklo ang naharang ng MMDA sa Macapagal Avenue sa Pasay at Parañaque City na ang pinaka-kanang lane ang nagsisilbing motorcycle lane.

Ang mga nahuhuli ay pinapupunta sa isang tent o booth at nagsasagawa ang mga tauhan ng MMDA ng seminar tungkol sa motorcycle lane, paggamit ng helmet at pagdadala ng lisensya at nilalagyan ng sticker ang mga motorsiklo bilang patunay na naabisuhan na ang mga driver ng nasabing mga motorsiklo.

Pagkatapos ng isang linggo ay maniningil na ng multang P500 sa mga nagmomotorsiklong hindi gagamit ng motorcycle lane.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na pakay nilang mabawasan ang aksidente ng mga motorsiklo.

Mahigit 30 porsyento aniya sa mga naitalang aksidente ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply