Pagpatay sa PUP VP kinondena

KINONDENA ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines ang pananambang sa kanilang vice president for administration kagabi (Oktubre 12) sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay PUP president, Dr. Dante Guevarra, naglukluksa ang buong komunidad ng nasabing unibersidad dahil sa pagkakapatay sa kanilang bise president na si Atty. Augustus Cesar.

Sa ngayon ay tinututukang anggulo sa imbestigasyon ng Manila Police District  ang administrative differences sa pagitan ng pamunuan ng nasabing unibersidad sa pagpatay kay Cesar.

Ayon kay District Director C/Supt.Roberto Rongavilla, lahat ng anggulo ay kanilang titignan upang maresolba ang kaso at isa pa lamang itong anggulo na kanilang pinag-aaralan dahil naging kontrobersyal ang naging problema ng  unibersidad sa pamumuno ng PUP president na si Guevarra.

Kamakailan lamang ay nagsampa si Guevarra ng patung-patong na kaso sa Ombudsman at kabilang si Cesar sa mga kinasuhan nito matapos na hindi umano igalang ng mga ito ang Temporary Restraining Order (TRO) na ipinalabas ng Manila RTC para manatili ito sa puwesto bilang presidente ng PUP. Kasama ni Cesar na kinasuhan sina Commission on Higher Education at PUP Board of Regents Chairman Patricia Licuanan at Atty. Estelita Wi dela Rosa, ang secretary ng PUP Board of Regents.

Magugunitang, namatay din sa pananambang noong Pebrero 2004  sina PUP Professor Efren Turla at kanyang driver na si Salvador Escanilla sa San Pablo City, Laguna at dalawang lalaki na magkaangkas din sa motorsiklo ang naging salarin.

Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala sa kaliwang kamay habang nakatayo si Berlindo Norola, 25, isang nurse ng Anonas, Sta.Mesa, Maynila nang barilin ng suspek na magkaangkas ng motorsiklo si Cesar sa kanto ng Pureza at Magsaysay boulevard habang sakay ng kanyang minamanehong Toyota Lite-Ace na may plakang WSD-960. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply