Pagsabog sa Makati iniimbestigahan na

INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad kung may kaugnayan sa terorismo ang naganap na pagsabog kaninang madaling-araw sa Makati City.

Batay sa ulat, ang pagsabog ay naganap dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Rose street, Barangay Rizal, Makati City.

Ayon Kay SPO1 Glen Macalindal ng Explosive Ordnance Division, ang pagsabog ay itinuturing na isang isolated case sa lugar.

Lumikha ng limang pulgadang butas ang pagsabog at tinamaan ng shrapnel ang limang bahay.

Sa kasalukuyan inaalam pa ng awtoridad kung ang naganap na pagsabog ay may kaugnayan sa terorismo upang guluhin ang mga residente sa naturang lugar.

Sa kabila nito, tinitignan din ng awtoridad kung anong uri ng pampasabog ang ginamit o kung ito ay isang pillbox lamang na ibinato ng isang grupo ng teenager sa lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply