PHL consuls sasanayin para sa 2013 polls

SISIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasanay sa mga Philippine consuls at attaches para sa nakatakdang pagdaraos ng midterm elections sa taong 2013.

Ngayon pa lamang ay inihahanda na ng Comelec ang training para sa mga consuls at attaches sa 18 diplomatic posts sa Middle East at Africa na sisimulan sa linggong ito.

Magsasagawa rin ng kahalintulad na training sa mga diplomatic posts sa Hong Kong, Jakarta, Indonesia, San Francisco, USA at Milan, Italy.

Mamamahagi umano ang poll body sa mga kinatawan ng iba’t ibang diplomatic missions ng advanced biometric technology equipment upang linisin ang kanilang voters’ list.

Una nang hinimok ni Comelec Commissioner Elias Yusoph ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat na magparehistro upang makaboto.

Ang overseas absentee voters’ registration ay nakatakdang simulan sa Oktubre 31 at magtatapos sa Oktubre 31, 2012.

Target nitong makapagrehistro ng may isang milyong bagong botante sa may 2.4 milyong potential voters sa buong mundo. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply