Pagsasanib ng PLDT at Digitel aprub na sa NTC

OKAY na sa Globe Telecom Inc., ang pumapangalawang pinakamalaking telecommunication service provider, ang pag-apruba ng Philippine Long Distance Telephone Co.’s (PLDT) na pagkilala o pag-angkin sa Digital Telecommunications Philippines Inc. (Digitel).

Nabatid na binigyan na ng go signal ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsasanib ng PLDT at Digitel pero binigyan ng ilang kondisyon.

Dapat umanong ipagpatuloy pa rin ng Digitel ang unlimited services sa publiko sa pamamagitan ng Sun Cellular habang kailangan namang bitawan PLDT ang isa sa third-generation (3G) frequencies sa loob ng anim na buwan.

Tiniyak naman ng NTC na hindi magreresulta sa monopoly ang nasabing kondisyon.

Ang pag-apruba sa joint application ay maituturing na progresibong hakbang para sa magandang serbisyo nito sa mga consumers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply