Sibilyan sa Palawan bawal na magsuot ng uniporme ng militar, pulis

MAHIGPIT na ipinagbabawal ngayon sa sinumang indibiduwal o grupo ang pagsusuot ng mga uniporme, paggamit ng ensigna at mga paraphernalia ng militar at pulis kung hindi ito awtorisado.

Ito ang nilalaman ng inaprubahang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa kanilang regular na sesyon na ini-akda ni Vice Gov. Clara “Fems” Reyes.

Ang Ordinance No. 1225-11 na may titulong “Prohibiting and penalizing the illegal use of uniform and ensigna of military and police personnel and for other purpose” ay ipatutupad na ngayon sa lalawigan ng Palawan.

Nakapaloob sa nasabing ordinansa ang pagpataw ng P5,000 na multa at kaparusahang pagkabilanggo ng hindi hihigit sa isang taon sa sinumang lalabag dito.

Nanawagan naman si Maj. Neil Estrella, tagapagsalita ng Western Command (WESCOM), sa mga establisyementong nagbebenta ng mga nabanggit na kagamitan ng militar at pulis na siguraduhing mga awtorisadong personalidad lamang ang dapat pagbilhan nito.

Idinagdag pa ni Estrella na kung may napapansing mga pagtitipon ng mga unipormadong grupo at mga kahina-hinalang kilos sa alinmang lugar sa lalawigan ay dapat ipagbigay alam kaagad sa mga opisyales ng barangay o kaya sa mga awtoridad upang mapigilan ang anumang banta ng karahasan o kaguluhan dahil ang pagtutulungan ang siyang tunay na susi sa kapayapaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply