Pagtitipid ang lunas sa paghahanda sa krisis

STIMULUS package. ’Yan ang lunas sa krisis sa ekonomiya at pagdarahop ng taumbayan na tiniyak ng Malacañang para sa paghahanda ng gobyerno sa pandaigdigang krisis bago pa man tayo maapektuhan nito.

Sa pahayag ni Executive Sec. Jojo Ochoa, ang isa sa mga hakbang na ginagawa ay ang paglalaan ng P72 bilyon sa imprastruktura at iba pang proyekto na maaaring lunas sa pagdarahop ng karamihan sa mga Filipino.

Ang naturang halaga ay mula raw sa natipid na salapi ng gobyerno dahil sa masinop na paggasta sa pondo ng taumbayan at ‘di sa kung ano-ano lang na pinagkakagastusan.

Sa P72B na stimulus program, P8.5B ang para sa lokal na pamahalaan na magsasagawa ng imprastraktura at proyekto para sa pagsugpo ng kahirapan; P5.5B sa mga proyekto ng DPWH; P10B sa relokasyon ng informal settlers sa mga mapanganib na lugar; P4.5B sa pag-aayos ng MRT at P1,868B para sa LRT.

Dinepensahan din ni PNoy ang pagturing ng ilang kritiko ng kanyang gobyerno na “underspending” ang P72B na stimulus package.

Ang katwiran ni Ochoa na ang pagtitipid ay ‘di underspending at tama lamang na gawin kung nais ng pambansang gobyerno na ang proyekto ay may work program para mapagkalooban ng pondo.

Sa 15 buwan ni PNoy, nakakuha ang bansa ng positive rating actions mula sa credit rating.

Inutil sa pagsugpo puro tong kas

Inutil sa dilang inutil si Bulacan PD Supt. Fernando Mendez sa pagsugpo ng puwesto pijo na peryahan na front ng iligal na pasugalan ng mag-among Lourdes Tomboy at Leo.

Halos buong bayan ng Pulilan at sa ilang lugar ng lalawigan ay nilatagan na ng mag-amo ng mga ‘peryahan’ na front ng iligal na sugalan.

Puro lagay kasi…ang inaatupag ng mga parak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply