Pagtugis vs Ligot couple ikinasa ng PNP

NAGLUSAD kaninang umaga ang Philippine National Police (PNP) nang malawakang pagtugis sa dating Armed Forces comptroller na si Jacinto Ligot at ang kanyang kabiyak na si Erlinda na inatasang ipahuli ng Court of Tax Appeals dahil sa kasong tax evasion.

Sinabi ni PNP spokesperson Chief Superintendent Agrimero Cruz, Jr. na ipinakalat na nila ang  tracker teams ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para hanapin ang mag-asawang Ligot pero hindi naman ito nagbigay ng iba pang detalye.

“Yes, we have tracker teams from the CIDG who are to go after these wanted persons,” pahayag ni Cruz.

Pero nang tanungin kung alam ng PNO ang pinagtataguan ng mag-asawang Ligot at kung sila ba ay nasa bansa pa rin, depensa ni Cruz na ito ay isang “operational data” at wala siyang access para malaman ito. Hindi rin naman sumagot si CIDG deputy head, Chief Superintendent Benito Estipona, para sa parehong katanungan.

Sa isang resolution na may petsang Setyembre 28, may nakita ang tax court 2nd division na probable cause laban sa mag-asawang Ligot sanhi ng hindi pagsusumite ng kanilang kinita noong 2003 at dahil din sa hindi pagbayad ng buwis.

Si Ligot at ang pangalawang high-ranking military officer na kinasuhan ng tax evasion matapos si dating military comptroller Carlos F. Garcia.

Sa kanilang parte, sinabi ni Col. Arnulfo Marcelo Burgos, hepe ng public affairs office ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na hindi nila alam ang kinaroroonan ng mag-asawang Ligot. “General Ligot is already retired and no longer under our jurisdiction,” aniya. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply