PAL flights dinagdagan para sa Undas

NAGDAGDAG ang Philippine Airlines (PAL) ng 11 domestic flights at dalawang international flights para sa  mga pasahero sa darating na Undas.

Ayon sa PAL, inaasahang dadagsa ang pasahero sa mga airports para sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga probinsya sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day.

Inaasahan din ng PAL na maging sa Nobyembre 5-7 ay marami pa ring pasaherong bibiyahe matapos na ideklarang holiday ang Nobyembre 7 para naman sa Ei mad’l Adha.

“PAL assures its passengers that the airline is prepared to handle the expected influx of passengers for the forthcoming weekend holidays. The expected load factor of flights is a high of 90 percent for the regional/international sector and a high of 80 percent for the domestic sector,” ayon sa PAL.

Ang mga flights na dinagdagan ay ang Bacolod, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, Dumaguete, Iloilo, Kalibo, Ozamiz, Tagbilaran at Zamboanga.

Nadagdagan din ng international flights sa Hongkong at Singapore.

Pinayuhan ng PAL ang mga bbiyahe na  bisitahin ang  kanilang website sa www.philippineairlines.com, facebook at twitter accounts o tumawag sa  PAL reservations hotline  sa numero bilang 855-8888 para sa anumang impormasyon.

Pinayuhan din ang publiko na magpa-book ng maaga upang makaiwas sa inaasahang pagdami ng flight reservations para sa dalawang long weekends.

Makikipag-ugnayan naman ang PAL sa Manila International Airport Authority, Mactan-Cebu International Airport at  Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)  at PNP Aviation Security Group upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Dagdag pa ng flag carrier na 24/7 ang kanilang internal security measures. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply