PAL management ipinatawag ng Malakanyang

IPINATATAWAG na ng Malakanyang ang Philippine Airlines (PAL) Management matapos magkaroon ng pitong nasaktan, sa protesta ng Philippine Ailines Employees Association (PALEA) kamakailan.

Sa ngayon ay nakaantabay ang Malakanyang sa sitwasyon ng PAL, at umaasa ng pantay na imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa PAL, isang catering truck ang palabas na sana ng PAL Inflight Center sa MIA road nang harangin ng ilang nagpoprotestang miyembro ng PALEA (PAL Employees Association) ang daraanan ng truck.

Dagdag ng PAL, may dala aniyang night sticks at spikes ang mga miyembro, at hinarang nito ang gate kaya hindi makalabas ang catering truck.

Sa panig naman ng PALEA, sinabi nito na kumuha ng goons ang PAL upang mapaalis ang kanilang grupo kaya’t nagkaroon ng kaguluhan sa pagdisperse sa mga ito.

Sa ngayon, ay nagpatawag ng imbestigasyon ang PAL, upang malaman ang totoong pangyayari sa likod ng insidente.

Ayon sa PALEA, ang kanilang picket ay ukol pa rin sa labor dispute nito na 2,600 regular employees at ilang miyembro ng unyon ang pinasailalim sa mass retrenchment upang magkaroon ng bagong outsourcing scheme sa pagkuha ng mga empleyado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply