Palaman ng sikmura huwag ipagsapalaran

HINDI gaanong nagtutugma ang mga pananaw ng Department of Agriculture at National Food Authority ukol sa suplay ng bigas sa buong bansa.

Nangangamba ang NFA na baka kulangin ang suplay samantalang naninindigan ang DA na sapat ito.

Kung noon ay sinasabi ng NFA na pupuwede tayong maligo ng bigas sa dami ng suplay rito, lumilitaw na binabawi na ito ng ahensiya.

At gusto na nitong mag-angkat mula sa ibang bansa.

Ang paniniyak naman ng DA na ililipat lang ang sobrang suplay ng Mindanao patungo sa Luzon na sinalanta ng kalamidad ay pinagdududahan na rin.

Sapagkat nasalanta na rin ng bagyo ang ani sa nasabing bahagi ng bansa.

oOo

Ngayon pa lang ay dapat nang magdesisyon ang mga kinauukulan kung mag-aangkat sila ng bigas o hindi.

Kauna-unahan na dahilan dito ang pagtitiyak na hindi daranas ng gutom ang marami dahil sa kawalan ng suplay.

Sa pag-aangkat sa tamang panahon, maiiwasan din ang pag-angat ng presyo ng bigas na darating sa bansa.

Sa tindi ng hirap na inaabot ng mamamayan dahil sa pagkasira ng kanilang kabuhayan dahil sa mga kalamidad na dulot ng mga bagyo at baha, hindi dapat na ipagkait sa kanila ang karapatang magkaroon ng sapat na makakain sa abot-kayang halaga.

Kung nagagawa ng pamahalaan ang hindi paglalabas ng pondo sa mga pagawaing bayan, hindi dapat na gawin ito sa usaping pagkain.

Lahat ay dapat gawin upang magkaroon ang mamamayan ng pampalaman ng kanilang sikmura sa lahat ng panahon.

Kung sa mga oras ng kalamidad ay nakikitaan ng pagkukulang ang pamahalaan, hindi dapat na maganap ito sa usaping sikmura ng mamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply