Palasyo: ‘Anong krisis sa konstitusyon?’

BINALE-WALA ngayon ng Malakanyang ang mga babalang magkakaroon ng “constitutional crisis” dahil sa hidwaang namamagitan dito at sa Korte Suprema.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi na kailangang makipagpulong pa sa Judicial Executive Legislative Advisory and Consultative Council (JELAC) dahil kinikilala naman umano ng bawat isa ang kanilang mga karapatan.

Matatandaang si Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nagpanukalang makipag-usap ang Palasyo sa JELAC, isang konsehong itinatag noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Gayunman, sinabi ni Valte na kung ang pag-uusapan ay ang bantang mabawasan o alisin ang P4.97 bilyon mula sa judiciary budget, hindi na umano kailangan sapagkat tapos na ito.

Plano ng Malakanyang na kunin ang nasabing halaga ng judiciary budget para sa unfilled positions, at iba pang constitutional bodies, sa “miscellaneous personnel benefits fund” (MPBF).

Hindi ibibigay ang nasabing halaga habang hindi napupunuan ang mga nasabing career position.

Kamakailan, sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na inayos na nila ang probloema at aprubado na rin ito ng Senado at Kamara.

Sa nasabing resolusyon, ang pondo ay mababalik sa pinanggalingang ahensya ngunit kailangan nilang magsumite ng quarterly report sa Office of the President at Kongreso kung paano nila ito ginamit.

Binale-wala rin ni Valte ang sinabi ni Chief Justice Renato Corona na ipagpapatuloy nila ang laban para sa hustisya.

Aniya, ganoon din ang gagawin ng executive department kaya walang itong nakikitang problema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply