Palasyo:’Walang sasantuhin kung may pumalpak’

ITO ang sinabi ng Malakanyang ngayon ukol sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam sa Central Luzon.

Ayon sa Palasyo, walang pagtatakpan kung sakaling imbestigahan ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam.

Matatandaan kahapon (Setyembre 30) na nagalit si Bulacan Gov. Willy Alvarado dahil sa nilubog umano ng pagpapakawala ng tubig ang kanyang lalawigan.

Nais ng opisyal na may managot sa nangyaring pagbaha sa kanyang lalawigan at iginiit na may pagkakamali sa sabayang pagre-release ng tubig ng mga dam.

Idinepensa naman kahapon ni Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, na mas malaking problema ang kakaharapin kung hindi magpapakawala ng tubig ang mga dam sa Luzon lalo at paparating ang bagyong Quiel.

Ihinayag ngayon ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na kung kinakailangan ay malaya ang mga kongresista na paimbestigahan ang sabay-sabay na pagpapakawala ng tubig ng anim na dam.

Sinabi ni Valte na hinihintay pa nila ang flood impact report at ang paliwanag ng National Power Corporation, na siyang may superbisyon sa mga dam, Department of the Interior and Local Government at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bago aksyunan ang nasabing isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply