PALEA, FASAP nag-rally sa MIA Road

KAHIT pa bumuhos ang ulan ay hindi napigilan kanina ang sabayang pagkilos ng mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) at Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) upang kontrahin ang umano ay illegal retrenchment na ipinatupad ng Philippine Airlines (PAL) management sa Manila International Airport (MIA) Road sa Pasay City.

Ganap na alas-3:00 ng hapon nang mag-umpisang umarangkada ang programa ng mga taga-PALEA.

Iginigiit ng grupo ang umano’y kasinungalingan ng PAL management na balik na sa normal na ang operasyon ng kompanya.

Kinondena rin ng PALEA ang paninisi sa kanila ng PAL ukol sa mga nakanselang flight.

Gumawa rin ng human chain ang mga nagprotesta na binubuo ng daan-daang miyembro ng PALEA kasama ang mga miyembro ng FASAP at iba pang labor groups.

Dumating naman ang maraming pulis at hinarang ang mga nagpoprotesta na nagtangkang sumugod sa gate ng NAIA Terminal 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply