Palea pinasasagot ng korte

PINAGSUSUMITE ng sagot ang kampo ng Philippine Airlines Employees Association (Palea) sa isinampang kaso ng Philippine Airline (PAL) management hanggang ngayong tanghali.

Dahil rito, mananatili  pa rin ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ni Executive Judge Edwin Ramiso sa kaso ng Philippine Airlines management kontra sa anim na miyembro ng PALEA na iligal na nagpiket sa nasabing lugar.

Ang pagbabawal ay matapos magpalabas ng TRO si Executive Judge Ramizo laban sa protesta ng nasabing grupo.

Ayon sa limang pahinang desisyon ni Judge Ramizo, hinahadlangan ng Palea ang karapatan ng flag carrier na makapag-operate, partikular na sa bahagi ng In-Flight Center (IFC).

Magugunitang nagsimula ang aksyon ng mga kasapi ng Palea noong Setyembre 27 kahit nasa kasagsagan ng bagyong si “Pedring.”

Nitong mga nakaraang araw ay nagpalabas ng Status Quo order si Pasay City Regional Trial Court branch 108 Presiding Judge Maria Rosario Ragasa kaugnay sa protest camp ng mga miyembro ng Palea sa in-flight center perimeter sa Pasay City.

Bukas (Oktubre 21) inaasahang maglalabas ng desisyon si Judge Ragasa sa nabanggit na kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply