PALEA protesters pwersahang bubuwagin

BUBUWAGIN na ang mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) na patuloy na nagpoprotesta sa bisinidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga susunod na araw.

Ayon kay Philippine Airlines (PAL) vice president for corporate communications Joey de Guzman, nakasasagabal na sa operasyon ng kanilang tanggapan ang mga dating empleyado na humaharang pa sa kanilang mga tauhan.

Inamin din ng PAL na nakipag-coordinate na sila sa PNP para sa posibleng dispersal kung sakaling kakailanganin.

Sa panig naman ng PALEA, sinabi ng kanilang pinuno na si Gerry Rivera na hindi sila titigil ng protesta hangga’t walang ibinibigay na solusyon sa kanilang karaingan.

Matatandaang 2,600 ang nawalan ng trabaho sa PAL, matapos ipatupad ang outsourcing noong Oktubre 1, 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply