PALEA sinugod ang PAL charter house sa Makati

SINUGOD ng mga miyembro ng Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) ang charter house ng Philippine Airlines (PAL) kaninang alas 10:30 ng umaga sa Legazpi Sreet, Makati City.

Sa pahayag ni Jake Garcia, board member ng unyon, na sa nasabing charter house pansamantalang tumutuloy ang mga empleyado ng PAL na kinuha sa mga lalawigan para magtrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Ayon kay Garcia, karamihan sa mga empleyado ay sinabihang may dadaluhan lamang na training sa Maynila pero lumalabas na sila ang ipinalit sa mga tinanggal na empleyado sa catering, online ticketing at ground operations ng kompanya.

Nakiusap naman si Garcia na umuwi na lang ang mga “eskirol” dahil maaaring sila na ang sunod na tanggalin ng pamunuan ng PAL.

Pinayuhan din ni Garcia ang mga empleyado na makiisa sa ipinaglalaban ng PALEA at huwag magpagamit sa pamunuan ng naturang airline.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply