Palpak na MMDA traffic enforcers pinasisikip ang Edsa

NAIS ni Sen. Manny Villar na imbestigahan ang sistemang ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa daloy ng trapiko sa lansangan partikular na sa Edsa.

Anang senador, sa kabila ng dambuhalang badyet ay palpak ang pagmamando ng mga traffic enforcer sa mga lansangang tulad ng Edsa.

Dahil dito, inirekomenda rin ni Villar na isailalim sa masusing training ang mga traffic enforcer ng MMDA bago isabak sa lansangan ng Edsa.

Iginiit ni Villar na marami sa traffic enforcer ng MMDA na walang sapat na pagsasanay kaya’t sa halip na makatulong sa pagluluwag sa daloy ng trapiko ay sila pa mismo ang sanhi ng trapik sa partikular na lugar.

Napansin rin ni Villar ay ang maling panghuhuli ng traffic officers kung saan imbes na patabihin ang pinatigil na sasakyan ay doon pa ito tinitikitan sa outer lane o passing lane kaya nakadadagdag pa sila sa pagbibigat ng daloy ng trapiko.

“Mandate a thorough training of MMDA officers and instill in them more discipline before they get deployed at Edsa in order to ensure that when they catch a traffic violator, they have to move the car to the rightmost lane and not interrogate the violator in the middle of the road,” giit ng senador.

Sa inihaing resolusyon ni Villar ay ipinasisilip sa Senate committee on public works at committee on public services ang problema ng trapiko sa Edsa upang sa gayon ay makapagbalangkas ng komprehensibong traffic decongestion program sa nasabing highway.

Binanggit pa ni Villar na dahil sa sobrang trapik sa Edsa, umaabot sa P277 milyon kada araw ang nawawala sa ating ekonomiya.

Sa hiwalay na pagtantiya naman ni World Bank country director Bert Hoffman, pumapalo sa $20 milyon kada taon ang ‘economic and health cost’ ng trapik sa Edsa.

Itinulak ni Villar ang pag-iimbestiga sa matinding trapik sa Edsa upang makabuo ang mga mambabatas ng short at long-term solutions para dito, kabilang na ang retraining ng mga traffic officer ng MMDA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply