Palpak na serbisyo ng airlines iimbestigahan

IPINASISIYASAT ng dalawang kongresista ang aniya’y palpak na serbisyo ng mga airlines sa bansa.

Nais nina Sorsogon Rep. Salvador Escudero at Davao Rep. Marc Douglas Cagas na imbestigahan na ng mga kongresista ang aniya’y palpak at masamang serbisyo ng local airlines companies sa bansa.

Ayon sa dalawang mambabatas, nakakahiya na ang serbisyo ng mga airline companies na kung hindi man delay ay kanselado.

Tinukoy ng mga kongresista ang kanilang karanasan na inabot sila ng tatlong oras sa paghihintay ng paglipad ng kanilang eroplano at nang lumipat sila ng airline company ay kanselado naman.

Sinabi pa ng dalawa na “masyadong nakakahiya ang ganitong sistema lalo na sa mga turista na nagtutungo sa Pilipinas.”

Giit ni Cagas na dapat nang kumilos ang Kongreso para silipin ang serbisyo ng mga ito batay sa prangkisa na inaprubahan ng Kongreso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply