Pamahalaan kinalampag sa pagiging worst airport ng NAIA

KINALAMPAG ng dalawang kongresista ang pamahalaan matapos na malagay ang Ninoy Aquino International Airport bilang numero uno sa listahan ng “worst airport” o pangit na paliparan sa buong mundo base sa isang website.

Ipinahayag nina CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna at Aurora Rep. Sonny Angara na nakahihiyang mabasa ang mga ganitong komento dahil ang NAIA anila ang nagsisilbing “show-window” o mukhang ipinapakita ng ating bansa sa buong mundo upang makahikayat ng mga turista.

Ayon kay Angara, may basehan naman kung bakit nalagay sa pwesto ang paliparan at ito ay hindi dapat balewalain ng gobyerno.

Sinabi pa ni Tugna na walang binatbat pagdating sa makabagong airport ang NAIA sa Timog Silangang Asya lalo na kung ikukumpara sa Singapore, Hong Kong, Bangkok at Kuala Lumpur.

Ipinaliwanag naman ni Angara na dadagsain ng mga turista ang Pilipinas kung maayos ang serbisyo at pasilidad ng NAIA na tiyak na magbibigay rin ng karagdagang trabaho sa maraming Pinoy.

Ani Angara, ang Pilipinas aniya ang masasaktan partikular ang mga negosyong lokal kapag hindi na bumalik ang mga turista dahil sa mga pangit na karanasan sa paliparan gaya na lamang ng nadukutan, late flights at mabagal na serbisyo.

Giit ng dalawang mambabatas, magsilbi sana itong “wake-up call” at positibong kritisismo sa pamunuan ng NAIA dahil ito ay para sa ikagaganda pa ng kanilang serbisyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply