Pamahalaan may listahan na ng OICs sa ARMM

MAYROONG ng transition team at listahan ng mga officers-in-charge (OIC) ang pamahalaan sakaling maglabas na ng final ruling ang Supreme Court kaugnay ng pagpapaliban ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, ibibigay niya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pangalanan ng mga magiging OIC ng ARMM oras na tuluyang makalusot na sa Korte Suprema ang usapin.

Maliban sa mga OIC, bumuo rin ng transition team na kinabibilangan ng mga senior officer ng Department of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaagapay ng mga OIC ang nasabing transition team na siya namang tatanggap sa pamumuno ng ARMM.

Kaugnay nito, sinabi ni Robredo na naglaan si Pangulong Aquino ng P8.5 milyon badyet para sa ARMM at sinabi na ayaw ng Pangulo na mapunta ang nasabing badyet sa wala.

Nagmungkahi rin si Robredo sa mga OIC na huwag nang tumakbo sa susunod na eleksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply